John Lloyd Cruz Sketch Pinagkakaguluhan Sa Social Media








Viral ngayon ang isang post sa social media tungkol sa isang sketch kung saan ang larawan ay si John Lloyd Cruz at katabi nito ang sketch na dapat ay ang mukha ng nasabing aktor ngunit ang kinalabasan ay ang mukha ni Jobert Austria. Ibinahagi ng Kun Gaming ang nasabing drawing sketch na may caption na "Yoko na magdrawing" na kinaaliwan ngayon ng mga netizens at kasalukuyang may 9,000 likes at 27,000 shares. Nabaggit din ang original na artist sa likod ng nanakakatuwang sketch na ito na si Ireneo V. Barro Jr.




Sa comment section ay mapapansing aliw na aliw ang reaksyon ng mga netizen. Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens. "Ngayon ko lang napagtanto magkahawig pala sila ni Kuya Jobert" "Try mo baliktarin malay mo madrawing mo si JL" "Wala namang mali, kung titignan pwede syang maging caricature"





Kamakailan lamang ay nagviral din ang mga post patungkol sa aktor matapos nitong lumabas sa bagong proyekto na inakala ng lahat ng isang comeback movie ngunit kalaunan ay napag alamang isang brand commercial lang pala, kung saan ay nakasama rin nito bilang endorsear sa nasabing commercial ang long time loveteam ng aktor na si Bea Alonzo at isa ang bigating aktor ng Abs-Cbn na si Piolo Pascual.

Samantala marami naman ang nag aabang sa muling pagbabalik ng aktor matapos ang dalawang taon nitong pananahimik kasama ang girlfriend nitong si Ellen at kamakailan nga ay nag anak nitong lalaki na nag 1 year old nitong Hunyo lamang.

John Lloyd Cruz Sketch Pinagkakaguluhan Sa Social Media John Lloyd Cruz Sketch Pinagkakaguluhan Sa Social Media Reviewed by Akikz on July 08, 2019 Rating: 5

No comments

Most Popular