Kyline Alcantara Opens Up About Recent Struggles with Acne





Sanay na tayong makitang maganda, makinis at perpekto ang mga mukha ng mga aktor o aktres sa publiko o sa telebisyon. Pero ang aktres na si Kylie Alcantara ay ibunyag ang kanyang mga problema sa kanyang balat.

Kahapon, sa Instagram ay nagpost ang teen-actress ng kanyang mga larawan na walang ano mang make-up, tanging ang kanyang pisnge at noo lamang na puno ng 'acne scar'.



Sinabi niya na nagsimula ang breakout sa isang tigyawat lamang nuong Marso ng nakaraang taon.

Inamin ni Alcantara na umiiyak siya bago dumalo sa mga showbiz commitments dahil hindi niya alam kung paano haharapin ang mga tao. Naramdaman niya ang pressure mula sa mga taong inaasahan na sya ay maging maganda o maging perpekto.

“To look like the polished girl that they always see in TV and magazines, but you can’t even look at yourself in the mirror,” 






Maging ang paglalagay ng make up sa mukha ay naging dahilan para e-criticized ang aktres. “I was judged, I was bashed and bullied for putting [on] too much make-up.”


Inamin din nya na nuong una ay nakabase lamang sya sa mga skin care na pinanunuod nya sa YouTube ngunit wala din nag-effect kaya't isang araw ay nagpakonsulta sya sa isang espesyalista na sinabihan syang sensitibo ang kanyang balat sa mga uri ng produktong kanyang ginagamit sa kanyang 'skin care routine' at ang 'breakouts' ay parte din ng kanyang puberty period.




Ipinaliwanag niya na ibinabahagi niya ang kanyang karanasan upang maging mas magaan ang pagtanggap ng mga tao sa kanilang sarili at huwag pahirapan ang sarili upang maging perpekto.

“Don’t stress yourself over something to be perfect because it will not come. Accept your uniqueness and use it to your own advantage and represent yourself proudly [through] it,” she advised. “Love the imperfectly perfect you.”


Sa isa pang Instagram post kahapon, ibinahagi niya ang isang larawan ng kanyang mukha na may malinaw at mas malinis na balat na may caption na


“My skin is fine now. I surpassed the breakout stage, and if I can syempre ikaw din (of course you can too)!”









Kyline Alcantara Opens Up About Recent Struggles with Acne Kyline Alcantara Opens Up About Recent Struggles with Acne Reviewed by Akikz on October 07, 2019 Rating: 5

No comments

Most Popular