Pinay Mom Sa Canada, Trending Sa Panggagaya Ng OOTD Ng Mga Celebrities





Viral ngayon ang isang pinay mom sa Canada na si Grace Baldomar Delos Santos dahil sa mga nakakatuwang mga post nya sa kanyang Facebook Page na AJ's and Me, kung saan makikita ang compilation ng kanyang "gaya-gaya" photos ng mga sikat na celebrities.



Sa panayam sa kanya ng Smart Parenting, ang kanyang gaya-gaya post ay nagsimula sa isang corn beef commercial ng aktres na si Heart Evangelista na kanyang ginaya.



Dahil dito ay hinikayat sya ng kanyanjg mga kaibigan na gumawa ng sariling Facebook Page kung saan maaari nyang i-post ang kanyang mga nakakatuwang "gaya-gaya" photo.



Kasali raw sya nuon sa isang group ng mga mommies online kung saan nagkaroon sila ng challenge na gayahin ang nasabing commercial. Laking gulat na lamang nya nang mag viral ang nasabing larawan at ikinatuwa ng mga netizen.



Kapansin pansin din sa kanyang mga larawan ay palage nyang naisisingit ang kanyang pagiging ina na mas lubos na kinatutuwa ng mga netizen.


May apat na anak si Grace at lahat ng mga pangalan nito ay may mga initials na A at J, kung saan ay nagmula raw sa pangalan ng kanyang mister nasi Albert Joe. Upang makahanap sya ng mga larawang gagayahin ay matyaga syang nagtititingin sa mga Instagram ng mga sikat ng mga celebrities. Ito na rin ang ginagawa nyang dahilan para makapamili ng ibat ibang klaseng damit.



Nabanggit rin nya na ang AJ's and ME Facebook Page nila ay ang "jologs version* ng sikat ng Family Celebrity na Team Kramer.




Para sa kanya" Happiness is a choice". Kaya nya ginagawa ang kanyang mga nakakatuwang larawan dahil dito sya masaya at nais nyang maibahagi ang kasiyahang ito sa ibang tao.



























Pinay Mom Sa Canada, Trending Sa Panggagaya Ng OOTD Ng Mga Celebrities Pinay Mom Sa Canada, Trending Sa Panggagaya Ng OOTD Ng Mga Celebrities Reviewed by Akikz on July 09, 2019 Rating: 5

No comments

Most Popular