Babae, Naparalisa Dahil sa Stress at Labis na Pagtatrabaho




Nagbahagi ng kanyang kwento sa Cosmopolitan ang isang workaholic na Ginang at ang kanyang mga naranasan sa labis na pagtatrabaho. Si Paula, 30 taong gulang, isang strategy consultant sa London nuong 2016. Aminado sya na umaabot ng 80 oras ang kanyang ginugugol na oras sa pagtatrabaho sa isang linggo. Ang malala pa dito ay wala syang maituturing na restday sa kanyang pagtatrabaho.





Nobyembre 2 ng parehong taon. Bigla syang nakaramdam ng bahagyang pagkahilo at tila nangimi ang kanang bahagi ng kanyang mukha habang nasa gitna ng isang conference call. Nang palabas na sila ng conference room ay laking gulat na lamang ng kanyang mga kasamahan nang makitang bagsak na ang kanang bahagi ng kanyang mukha at wala ng reaksyon ang kalahating mukha ng Ginang. Nung una ay di ito ikinabahala ni Paula, ang nasa isip nya lamang ay mas kailangan sya sa opisina kung kaya't kinabukasan ay pumasok syang muli tulad na kagawian. Nagdaan ang ilang linggo ay patuloy pa rin sya sa kanyang nakagawian kahit na ilang beses na itong inatake patuloy pa rin ang kanyang pagtatrabaho.



Ngunit ng sumapi ang Enero ng 2017, mas lumala ang kanyang narandaman nang unti-unting naparalisa ang ilang bahagi ng kanyang katawan. Sa paglala ng kanyang kondisyon maging ang kanyang pag iisip ay apektado na rin. Ang dati nyang lugar na dinadaanan ay kanyang nakakalimutan, maging ang pangalan ng kanyang mga malalapit na kaibigan ay naipagpapalit-palit nya.

Ngayon, di nya sukat akalain na mangyayari ang lahat ng iyon sa kanya. Kung kaya't kanyang ibinahagi ang kanyang kwento upang magbigay aral para sa mga taong nag-gugugol ng napakataas na oras sa trabaho at di mabigyan ang sarili ng oras para makapagpahinga at makabawi ang katawan. Maaaring sinasabi pa ng pag iisip natin na kaya pa natin ngunit kailangan din ng ating katawan ang tamang pahinga upang makabawi at maging mas produktibo nang hindi naaapektuhan ang ating kalusugan.



Babae, Naparalisa Dahil sa Stress at Labis na Pagtatrabaho Babae, Naparalisa Dahil sa Stress at Labis na Pagtatrabaho Reviewed by Akikz on July 18, 2019 Rating: 5

No comments

Most Popular