Isang Crew ng Mcdo sa Lipa Batangas Nag-viral dahil sa Videong Ito






Viral ngayon ang isang video kung saan makikita sa nasabing video ang isang aso na na kadungaw sa labas ng isang branch ng Mcdo sa Lipa, Batangas.
Ayon sa Yahoo ay limang minuto na umanong nasa labas ang aso. Di man nakakapagsalita, kapansin- pansin ang mga mata nito na tila nagmamakaawa. Isang crew naman ang nakapansin sa aso at tila naawa dahil sa mukhang gutom na gutom na ito na nakadungaw mula sa labas ng kainan.
Maya-maya pa ay lumapit ang isang crew sa aso na may dalang chicken nuggets at fries na kanyang ipinakain sa kawawang aso. Panuorin ang buong video mula sa Newsflare Youtube.






Umani naman nga reaksyon ang video mula sa netizen. Marami ang naawa sa aso at marami rin ang humanga sa kabutihang ginawa ng crew para sa aso na nagawa pang pagmalasakitan imbes na itaboy tulad ng madalas na ginagawa ng iba. Komento ng ibang netizen ay kung nakakapagsalita lamang ang aso ay siguradong papasalamatan sya nito.



>
Isang Crew ng Mcdo sa Lipa Batangas Nag-viral dahil sa Videong Ito Isang Crew ng Mcdo sa Lipa Batangas Nag-viral dahil sa Videong Ito Reviewed by Akikz on July 29, 2019 Rating: 5

No comments

Most Popular