Ina Tutol sa Pagpapakasal ng Anak sa Amerikano



Emosyonal na dumulog ang ginang na si Ellen Joy Alvior sa programang Wanted sa Radyo.

Nais daw nyang makausap ang kanyang anak na si Lalaine na kamakailan nga ay nabalitaan nyang papaalis na ng bansa upang magpakasal sa Amerikanong nobyo nitong si Bobby Wood.


Tutol daw sya sa plano ng kanyang anak na pagpapakasal dahil hindi pa raw lubusan nitong kilala ang Amerikano na nakilala lamang nya sa isang dating site. Dagdag pa nya hindi man lang daw ito nagpakita ng respeto sa kanya at sya pa daw ang unang nag reach out sa Amerikano.





Nang makauwi pa nga daw ito sa Pilipinas ay nakablock na sya sa Facebook nito. Depensa naman ni Lalaine ay kaya lang daw ito nagawa ni Bobby ay dahil sa mga sinasabi umano ng kanyang nanay sa kanyang nobyo. Dagdag pa nya ay kinilala naman daw nya ang kanyang nobyo at sa katunayan ay maging ang mga anak nito ay kanya ng nakilala.



Ayon sa ginang ay labis lamang ang kanyang pag-aalala para sa anak dahil sa mga masamang balita na nagkalat ngayon, nais lamang nyang maprotektahan ang anak. Sa huli ay nagkasundo rin ang mag ina na magkita at magka-usap bago umalis ng bansa si Lalaine.
Nagpasalamat din ang Ginang kay Raffy Tulfo sa pamamagitan ng isang video.
Ayon naman update ng programa ay nagkita at nagkaayos na ang mag ina at maging ang nobyo nitong amerikano ay nakausap na rin daw ng Ginang.





Ina Tutol sa Pagpapakasal ng Anak sa Amerikano Ina Tutol sa Pagpapakasal ng Anak sa Amerikano Reviewed by Akikz on July 18, 2019 Rating: 5

No comments

Most Popular