Morisette Amon Nagwalk out sa isang concert



Kapamilya singer na si Morisette Amon nag walk-out sa birthday concert ni Kiel Alo sa Music Musem. 

Kasunod umano ito ng tila naging panayam ng ABS-CBN News reporter na si Mario Dumaual nang kamustahin Ito tungkol sa naka-alitang ama na si Amay Amon.




Matatandaang naging usap-usapan sa social media ang mga sunod-sunod na post ng kanyang ama na si Amoy Amon tungkol sa di umanoy pagtutol nito sa pakikipagrelasyon kanilang anak sa boyfriend nitong si Dave Lamar.

Sa naging interview ng entertainment press sa singer na si Kiel Alo matapos ang concert, idinetalye nito ang tila naging dahilan ni Morissette sa pag back-out sa concert.

“Na-interview kami ni Sir Mario Dumaual, tapos tinanong siya doon sa father niya [Amay Amon] tapos in-explain niya lahat nang pinagdadaanan niya and all, tapos after daw po noon, parang na offend po siya,”kwento ng Kiel sa press.




Ayon kay Kiel tila na offend daw si Morisette sa personal na tanong sa kanya nuong interviewhin sila.
“Ang sabi lang naman po ni Sir Mario [Dumaual] ‘Kamusta kayo ng tatay mo?’, pero ‘yun nga pero siguro the right term would be hurt, na-hurt siya, ang term lang naman po ba ginamit ni Sir Mario, ‘di bale, Hindi naman matitiis ng isang ama ang kanyang anak’, tapos ayun, akala ko okay na,” dagdag pa ni Kiel.

Idinetalye din ni Kiel ang mga pangayari sa backstage bago pa umano magsimula ang nasabing concert.



“Bago po ‘yung performance, with Ate Aira [Bermudez] narinig ko nalang po na inuntog daw ni Morissette ang ulo niya sa pader tapos umiyak ng umiyak, tapos hindi na siya naka-kanta,” pahayag pa ni Kiel.

Hindi man naituloy ni Morisette ang kanyang guesting sa birthday concert ni Kiel ay iniintindi pa rin umano ng baguhang singer ang pangyayari at pinagdadaanan ni Morisette at walang rin syang sama ng loon dito.



“Bago po ‘yung performance, with Ate Aira [Bermudez] narinig ko nalang po na inuntog daw ni Morissette ang ulo niya sa pader tapos umiyak ng umiyak, tapos hindi na siya naka-kanta,” pahayag pa ng baguhang singer.


Matatandaang kababalik lang ng singer mula sa kanyang bakasyon sa US kung saan ay kasama nito ang napapabalitang boyfriend na si Dave Lamar.




Nagpahayag namang ang manager ni Morisette na si David Casico na nagkaroon ng medical emergency ang singer at humingi rin ng paumanhin sa mga pangyayari.

Sa ngayon ay umaasa naman ang mga fans na malalampasan ng singer ang kanyang mga pinagdadaanan ngayon at patuloy na nakasuporta sa singer.



Narito ang video interview sa singer bago ang nasabing concert.




Morisette Amon Nagwalk out sa isang concert Morisette Amon Nagwalk out sa isang concert Reviewed by Akikz on November 09, 2019 Rating: 5

No comments

Most Popular