Regine Velasquez recalls being discriminated against in luxury store in New York



Inalala ni Asia Song Bird Regine Velasquez sa kanyang bagong launched na vlog kung saan ay binalik tanaw nya ang kanyang karanasan nuon na sya ay na-descriminate habang nagsha-shopping sa  Louis Vuitton store. Sa kanyang vlog ay ikinwento nya kung paano nya nakuha ang sapatos na iyon. 

Ang kwento ay may nagustuhan syang pares ng sapatos nuong early 2000s na nakita nya sa isang magazine ngunit ang lingid sa kanyang kaalaman na ang sapatos palang iyon ay bahagi ng limited runway collection.



“I went to New York to find [these] particular shoes… And then when I got there, nakita ko na, nandun sa display. Sa umpisa pa lang, sinabi agad sa akin wala akong size… Sinabi talaga,” Velasquez said. “Sabi ko, ‘Can I at least try them on?’ Sabi niya,  sabi ng guy, ‘Uh, no.’ Sabi talaga, ganun. Na-discriminate agad ang lola niyo, so na-depress ako ng very very light.”





Sa pagkadismaya ay umalis sya sa Louis Vuitton Store at nagpunta sa katabing store nito na Neiman Marcus kung saan ay bumili sya ng 20-kapares ng sapatos. Ngunit nadiscriminate din umano siya nuong una dahil walang sales assistant ang pumapansin sa kanya hanggang may isang African-American ang lumapit sa kanya at nagtanong kung kailangan ba nya ng tulong.

“Meron akong nakilalang (I met this) black guy. Again, I was being discriminated. No one was making me pansin, yung lahat sila nagsusukat (no one was paying me any attention, the rest were trying on shoes)… Walang pumapansin sa ‘kin (nobody noticed me), until this guy came to me and then he said, ‘Do you need help?" Kwento ng singer
“Sabi ko, parang maiiyak na ‘ko, ‘Yes, I need help.’ So lahat ng tinuro ko binili ko talaga, so ang happy niya, super happy siya. Samantalang yung bwisit na ibang nandun, nagtitinginan sila kasi yung ibang nagsusukat dun, wala naman binili ‘te,” dagdag pa nya

Matapos bilhin ang 20-kapares ng sapatos ay bumalik sya sa tindahan ng Louis Vuitton at saka lamang nya nabili ang sapatos na una nyang gustong bilhin


Sa huli ay sinabihan ng Asian song bird ang kanyang mga tagasubaybay na okay lang yun at wag nilang ikasama ng loob yun bagkos ay sinabi ng singer na “You go back and, like, kick some *ss, right?”



Regine Velasquez recalls being discriminated against in luxury store in New York Regine Velasquez recalls being discriminated against in luxury store in New York Reviewed by Akikz on October 08, 2019 Rating: 5

No comments

Most Popular