James Reid May Official Statement na sa Pag-alis nya sa Bakuran ng Viva




James Reid, opisyal nang nagpahayag sa pamamagitan ng kanyang lawyer tungkol sa paghiwalay nya sa Viva na kanyang talent management sa loob ng 7-taon.

Sinabi ng law firm na Kapunan & Castillo Law Office sa isang pahayag nuong September 19 at inilabas sa mga media outlet tulad ng PUSH kahapon, Oktubre 3: "To put an end to all the recent speculation, Mr. James Reid would like to make it clear that, after careful deliberation, he has decided not to renew his contracts with the Viva Group."




Bukod sa pasasalamat sa Viva sa "tagumpay ng kanyang karera," nakapaloob din  sa statement na na magpapatuloy siya sa pakikipagtulungan sa ABS-CBN.

Sinabi nito na si Reid ay patuloy na nagpapagaling sa mga injuries na tinamo niya habang nagsasanay para sa "Pedro Penduko" at babalik sa "screen activities in the not-too-distant future." Tumalikod siya mula sa proyekto noong nakaraang Hunyo. Noong Agosto, nabalitaan na iniwan ni Reid ang Viva. 




Nuong Agosto usap-usapan na iniwan na ni Reid ang Viva, pagkalipas ng isang buwan, sinabi ng aktor sa PUSH noong Setyembre 17 na siya ay "medyo may kalayaan" na at patuloy  pa rin syang makikipagtrabaho sa kasintahan na si Nadine Lustre. Sinasabing ang kanyang ama na si Malcolm Reid, ay ang kasalukuyang nagma-manage sa kanya.

Inanunsyo ngayong araw na si Reid ay nakatakda nang magbida sa isang serye sa TV na pinamagatang 'Soulmate' kung saan makakatambal nya si Nancy ng K-pop group na Momoland, ang series ay ide-direct naman ng box-office director na si Antoinette Jadaone.


James Reid May Official Statement na sa Pag-alis nya sa Bakuran ng Viva James Reid May Official Statement na sa Pag-alis nya sa Bakuran ng Viva Reviewed by Akikz on October 04, 2019 Rating: 5

No comments

Most Popular