Test Folders na may mga Hugot Tungkol sa "Cheating" Kinaaliwan sa Netizens



Viral ngayon ang mga test folders ng isang guro kung saan makikitang may mga nakasulat na hugot lines. Ang mga photos ay ibinahagi ni Ma'am Regine Lumacang Generalao, kapansin-pansin ang mga folders ng kanyang mga estudyante sa BSED-Math A1 dahil sa mga kakatuwang hugot lines na nakasulat dito na tumatalakay sa pagche-cheating.






Mapapansin din na ang bawat folder ay hindi magkakatulad ang mga nakasula, magkaiba ang bawat folder kung kaya nakakatuwang basahin. Di na raw mangangahas pang kumopya ang mga estudyante sa kanilang kaklase dahil sa mga nakasulat sa kanilang pantakip.



<
Lalong naaliw naman ang mga netizen dahil isa pa nga sa kakatuwang folder ay nagpapatungkol sa aktor na si Gerald Anderson na inaakusahan ng panloloko sa girlfriend nitong si Bea Alonzo. Nagawa pa umanong maisingit ang sitwasyon ni Gerald kaya lalong bumenta sa netizen ang mga nasabing folder.



Narito ang ilang nakakatuwang komento ng netizen sa mga nasabing larawan. "Hahaha pati ba naman dito kasama pangalan ni Gerald. "Warning!! No cheating.. Ahahaha" "Tama kana sana lumingon kapa sa iba" "Pati sa loob ng classroom hindi pinapalampas eh"

"Hahaha, nadamay pa si Gerald, bakit? nangopya ba siya?"

Test Folders na may mga Hugot Tungkol sa "Cheating" Kinaaliwan sa Netizens Test Folders na may mga Hugot Tungkol sa "Cheating" Kinaaliwan sa Netizens Reviewed by Akikz on July 26, 2019 Rating: 5

No comments

Most Popular