Mayor Vico Sotto’s Post Against Zagu Goes Viral On Social Media
Mayor ng Pasig City na si Mayor Vico Sotto ginamit ang social media upang ipahayang ang kanyang hinanaing o opinyon patungkol sa kontrobesyal na kinahaharap ng Zagu Food Corporation.
Napag alaman na hindi naging pantay ang trato ng nasabing kompanya sa bawat empleyado kung kaya nagsagawa ang mag ito ng pagprotesta laban sa kompanya.
Kumalat din ang ng pagbisita ng Mayor sa protestang isinagawa ng mga empleyado laban sa Zagu.
Ayon sa kanya bumisita siya matapos nyang mapag alaman na gumagamit ng dahas ang guwardya ng kompanya sa pagharap sa mga empleyado nito.
Mahigit isang buwan nang naka-strike ang unyon ng mga manggagawa ng ZAGU. Nakatanggap ako ng report na may naganap na karahasan sa picket line, kaya't pumunta ako.
Kinausap ko ang mga tao ng management at binigyan ko sila ng pagkakataong ipaliwanag kung bakit sinusubukan nilang paalisin ang mga nagwewelga. Ang sagot ng admin-in-charge, pinapatupad lang daw nila ang TRO ng NLRC -- ngunit malinaw naman sa TRO na puwedeng ipagpatuloy ang strike basta't hindi ito nakaharang sa pagpasok/paglabas sa Zagu Foods Corp. (nasa gilid lang ang picket line kung saan naganap ang insidente.)
SA MAY-ARI AT MANAGEMENT NG ZAGU: “Hindi nangyari ito kung wala kayong mga empleyado na 10+ taon na, pero kontraktwal pa rin. Hindi nagkaroon ng strike kung nakipag negosyasyon kayo ng maayos. 5 buwan na ito sa NCMB, wala pa rin kayong maayos na offer/counter-offer. Bakit kailangang umabot sa karahasan?
SUMUNOD KAYO SA BATAS. GALANGIN NIYO ANG MGA KARAPATAN NG INYONG MANGGAGAWA,”
Mayor Vico Sotto’s Post Against Zagu Goes Viral On Social Media
Reviewed by Akikz
on
July 16, 2019
Rating:
No comments