Joshua Garcia Diretsahang Sumagot sa Isyu ng Dating Ex-Girlfriend na si Julia


IMAGE @starmagicphils Twitter / @cabrera.kathbealove Instagram

Joshua Garcia matapang na nagbigay ng komento tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanyang ex-girlfriend na si Julia Barretto, na naging mainit na topic sa social media na di umano ay so Julia ang dahil ng hiwalayang Gerald at Bea. Ang tanong naniniwala ba si Joshua sa mga paratang na ito? "Di ko masasagot yun eh" kalmadong komento ng aktor. "Siguro lahat naman ng tao, may kanya-kanyang opinyon sa nangyaring issue."



Inamin din ng aktor na kahit papaano ay naapektuhan din sya sa mga matitinding paratang o pambabatikos ng mga tao sa kanyang dating girlfriend. "Sa mga intriga, syempre naging karelasyon ko rin si Julia. "Nasasaktan ako for her and sa nangyayari. "Pero I think makakabangon naman sya" Nakapanayam si Joshua ni Mj Felipe ng ABS-CBN Entertainment News Report sa NAIA nuong Huwebes ng gabi, August 1. Duon ay nagpang abot ang landas ni Julia at Joshua na nakunan litrato bago sila umalis patungong San Francisco, California kung saan gaganapin ang show ng ng ASAP Kapamilya.










Dahil sa kanilang nalalapit na horror movie na Block Z na kanilang pagbibidahan, inaasahang marami pang work-related events na pagsasamahan ang dalawa. Iwas naman hanggang ngayon ang aktres sa mga isyung kinasasangkutan, na sandaling nakapanayam ng ABS-CBN News sa airport ngunit sadyang iwas sa mga katanungan hinggil sa naging issue ng pagiging third party.

Joshua Garcia Diretsahang Sumagot sa Isyu ng Dating Ex-Girlfriend na si Julia Joshua Garcia Diretsahang Sumagot sa Isyu ng Dating Ex-Girlfriend na si Julia Reviewed by Akikz on August 02, 2019 Rating: 5

No comments

Most Popular